28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Election Watchlist Areas Sa Rehiyon Sinusuri Na Ng PRO-XI

- Advertisement -

Davao City – Sinusuri na sa ngayon ng Police Regional Office (PRO) XI ang mga lugar sa region eleven (Region XI) na dati na’ng napabilang sa Election Watchlist Areas (EWAS) sa nakaraang eleksyon.

Ayon kay PRO-XI Spokesperson Police Major Eudisan Gultiano, na maliban sa EWAS, sinusuri din nila ang mga lugar na mayroong bangayan sa politika na posibleng magreresulta sa election-related violence.

Dagdag ni Gultiano na patuloy din na ginagawa ng Regional Headquarters ang imbentaryo ng kanilang mga miyembro na itinalaga bilang Security Detail ng mga incumbent officials.

Para naman sa mga politiko na nag-request ng security dahil sa banta ng kanilang buhay, patuloy din na pinuproseso sa ngayon.

Samantala, habang nalalapit na ang pag-uumpisa ng filing ng Certificate Of Candidacy (COC) bukas, Biyernes, Oktobre 1, 2021 naka-alerto na ang mga miyembro ng PRO XI sa pagsisimula pa lamang ng Election Period sa Enero 9, 2022 at hanggang sa matapos ang election period.

(Source: PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -