‘Election hotspot’ list isinasapinal pa ng PNP

0
52

Isinasapinal pa ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga natukoy na election hotspots.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kanila pang hinihintay ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa 2019 midterm election.

Paliwanag ni Albayalde, mahalaga ang nasabing listahan dahil dito nila ibabatay ang mga lugar na isasailalim sa election hotspots.

Layunin aniya nito ang matutukan ang mga lugar na ito para maagapan ang mainit na away pulitika na posible namang magresulta sa karahasan.

(with report from Jaymark Dagala)