Monday, May 6, 2024

El Shaddai aminadong walang bloc voting sa kanilang samahan

- Advertisement -

Aminado ang El Shaddai Charismatic Group na walang bloc voting sa kanilang samahan.

Ayon kay Wilfredo Villarama, political adviser ni Brother Mike Velarde, masuwerte na kung may 40 porsyento ng kanilang grupo ang bumoto sa mga iniyendorsong kandidato ni Brother Mike.

Sa katunayan, sinabi ni Villarama na mayroon siyang sariling listahan ng mga botante at may sarili ring listahan si Cong. Lito Atienza na kinatawan nila sa Buhay Partylist.

Binigyang diin ni Villarama na naniniwala si Brother Mike sa free will at naniniwala rin anya sila sa kakayahan ng mga tao na magbago.

Isa anya ito sa mga dahilan kung bakit kasama sa iniyendorsong kandidato ni Brother Mike ang mga pulitiko na mayroong kinakaharap na kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img