Bulkang Bulusan itinaas sa alert level 1

0
43

Itinaas sa alert level 1 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon dahil abnormal na aktibidad nito.

Ayon kay PHIVOLCS o Philippine Volcanology and Seismology Director Renato Solidum, kabilang sa mga naging aktibidad nito ay ang seismic activity simula pa noong Sabado.

Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng 16 na earthquakes at pagtaas din ng water temparature sa monitored hot spings.

Kaugnay nito, inabisuhan na ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4 kilo meter radius permanent danger zone at maging extended danger zone ng bulkan.

Bukod dito, pinaiiwas din ang mga piloto sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng steam driven eruption na sanhi ng hydrothermal processes.

Mayo 2015 nang huling itinaas ang alert level 1 sa Mt. Bulusan habang ibinalik naman ang alert level 0 noong Agosto 2018.