29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

ECQ sa Luzon pinalawig hanggang Abril 30 —Nograles

- Advertisement -

Epektibo na ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, hanggang sa Abril 30.

Ito mismo ayon Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles.

Ayon kay Nograles, aprubado na ng pangulo ang naging rekumendasyon ng IATF na palawigin pa ang umiiral na ECQ sa Luzon hanggang 11:59 p.m. ng gabi ng Abril 30.

Ayon kay Nograles, ang desisyon na ito ay upang matiyak na hindi na kakalat pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan binigyang diin ni nograles na ipatutupad pa rin ng pamahalaan ang mga umiiral na health protocols.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na makatwiran ang pagpapalawig sa ECQ dahil layunin nitong maresolba at mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Maalalang una nang sinabi ni Vice President Leni Robredo at ilang mambabatas na pabor silang palawigin pa ang ECQ na nakatakda sanang magtapos sa Abril 14.

Sa ngayon, nasa halos 4,000 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Yes, the president has decided to extend the ECQ up to 11:59 p.m. of April 30. Ito po ang rekomendasyon ng IATF kay Pangulong Duterte na  tinanggap niya at inannounce na niya kagabi, pagkatapos ng kanyang announcement ay vinerify po naming ulit . Ang sagot po ay ang enhanced community quarantine is hereby extended ani Nograles

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -