29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagbabalik ng NBA ngayong Abril wala pang kasiguraduhan

- Advertisement -

Posibleng sa Mayo pa magpalabas ng desisyon ang NBA hinggil sa pagbabalik ng 2019-2020 season matapos na ipatigil ito dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, kanya nang nakausap ang kanyang mga kasamahan kung saan aminado silang wala pa silang kasiguraduhan sa pagbabalik ng NBA ngayong Abril.

Dagdag ni Silver, hindi rin nila mapagdesisyunan ngayon kung tatapusin ang regular season ng NBA o dumiretso na lamang sa playoffs bunsod na rin ng kawalan ng kasiguraduhan sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa COVID-19.

Magugunitang marso a-onse ng ipinatigil ng pamunuan ng NBA ang lahat ng laban sa nabanggit na US basketball league matapos magpositibo sa COVID-19 si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Nakatakda sanang matapos ngayong Abril 15 ang 2019-2020 season ng NBA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -