Thursday, May 2, 2024

Duterte walang itinatago sa estado ng kalusugan nito—Cayetano

- Advertisement -

Walang itinatago si Pangulong Rodrigo Duterte sa estado ng kalusugan nito.

Ito ang tugon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa pahayag ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na magpapagamot ang pangulo sa oras na bumisita ito sa Israel sa susunod na linggo.

Ayon kay Cayetano, hindi ang tipo ni Pangulong Duterte ang magtatago ng nararamdaman o iniindang sakit at sakaling mayroon man ay sinasabi naman ito ng punong ehekutibo.

Kung totoo aniya ang alegasyon ni Alejano ay hindi naman ito maitatago lalo’t isang public event ang state visit kung saan mamomonitor ang bawat galaw ni Pangulong Duterte.

Samantala, binuweltahan ni Cayetano ang kongresista sa pagsasabing tila desperado si Alejano na maging senador kaya’t nagpapakalat na rin ng “fake news.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img