Duterte tiwala pa din kay Lapeña at Aquino

0
46

Nagmistulang referee si Pangulong Rodrigo Duterte sa sigalot sa pagitan nina Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino kaugnay ng isyu ng shabu smuggling.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Aquino na naglalaman umano ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon ang mga magnetic lifter na nasabat nila sa isang warehouse sa Cavite.

Gayunman, nanindigan si Lapeña na walang lamang droga ang naturang magnetic lifters dahil nag negatibo ito sa ginawa nilang swab test. Giit ng pangulo, tigilan na ang pagtuturuan at pagtuunan na lamang ng pansin ang kanilang mga tungkulin.

Sa huli, binigyang diin ng pangulo na buo pa rin ang tiwala niya kina Lapeña at Aquino.

“Customs, nalulusutan. Lapeña is good. He has been with me, believe me he served in Davao City more than 15 years. Pati si Aaron, kaya nalulusutan sila and, instead of killing the idiots, sila ang ‘yung nagtututruan why don’t you just stop blaming,” Pahayag ni Duterte.