BOC commissioner mistulang bumaliktad

0
54

Mistulang bumaliktad ngayon si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña.

Kumbinsido na kasi ngayon ang BOC chief sa posibilidad na nakalusot nga ang mga droga na isinilid sa ilang magnetic lifters na nagkakahalaga ng P6.8 billion.

Ayon kay Lapeña, batay sa mga ebidensya at testimonya sa isinagawang pagdinig ng mababang kapulungan ay unti-unti na siyang naniniwalang may laman ang naturang magnetic lifters.

“As an investigator also before, I will tend to believe that indeed may laman yan, sir. Talagang may nakalusot nga meron nga lab test as I have stated earlier. That is why yung mga technichians ng x-ray namin are subjected to charges for gross neglect performance of duty.” Pahayag ni Lapeña.

Sa naturang pagdinig, ipinaliwanag rin ni dating BOC x-ray project Chief Maria Lourdes Mangaoang na positibong may lamang droga ang nasabing mga magnetic lifers base sa kanyang personal na pag-analisa sa mga kuha ng x-ray film.

Bilang isang eksperto aniya ay alam niyang may itinatago sa loob ng nasabing mga kontrabando nang ito ay ipasok sa bansa.

“The thickness of the side wall of the steel magnetic lifter is ½ inches only. And the thickness of the wall of the container van i-minus mo yun eh kasi makapal ang container van so total of 4 ½ inches. So, if we can penetrate 11 inches lagpas-lagpas sobra-sobra pa so definitely our x-rays penetrated the magnetic lifters. Also, I found ang dami-daming fibers ng asbestos doon, you don’t need asbestos for magnetic lifters to function. And what is the purpose of asbestos? Asbestos – is heat resistant, fire resistant so you need the asbestos to insulate the shabu from heat para hindi matunaw kaya ho yan may mga asbestos yan.” Pahayag ni Mangaoang.