Duterte sasagutin ang libing ng 11 months old na sanggol dahil sa biliary atresia

0
61

Sasagutin na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gastusin sa paglilibing sa 11 buwang gulang na sanggol na nasawi dahil sa biliary atresia.

Ipinabatid ito ni Senador Bong Go matapos personal na saksihan ng Pangulong Duterte ang pagdating ng mga labi ni Eren Crisologo mula sa India kagabi sa Davao.

Sinabi ni Go na ipinadala ng Pangulo ang bata sa India para sa transplant nito matapos humingi ng tulong sa kaniya ang ama nitong miyembro ng Philippine Army.

Nasawi aniya ang bata dahil na rin sa kumplikasyon.