Amerika bahagi ng problema sa bansa ngayong COVID-19 crisis —Duterte

0
21

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang Estados Unidos sa nadudulot ng problema sa bansa sa kabila ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa parehong bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, nananawagan kasi ang Amerika ng mga nurse na tutulong sa kanilang giyera kontra COVID-19.

America is part of the problem of the Filipinos now,” ani Duterte.

Iginiit pa nito na dapat umasa ang Amerika sa kanilang human resources, dahil kailangan din ng Pilipinas ng mga health workers.

Dapat, kayo, umasa kayo sa sariling mga tao niyo,” ani Duterte.

Samantala, hinihimok naman ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Deases ang mga Filipino health care workers na manatili na lamang sa bansa.