Duterte nanindigan na nararapat makulong si Sen. De Lima

0
51

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na nararapat lamang na makulong si Senadora Leila De Lima.

Sa pagharap ng pangulo sa Filipino community sa Jordan, iginiit nito na ang pagkakasangkot ni De Lima sa ilegal na droga at hindi dahil sa pulitika ang dahilan ng pagkakakulong ng senadora.

Dahil dito hindi aniya maituturing na “prisoner of conscience” si De Lima.

Matatandaang Pebrero ng nakaraang taon nang madetine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center si De Lima dahil sa umanoy naging pakinabang nito sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.