Duterte nakipagkita sa kanyang ex-economic adviser na si Michael Yang

0
42

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dating economic adviser na si Michael Yang habang nasa Beijing, China.

Ayon kay Senador Bong Go, naganap ito sa isang private lunch kasama rin ang delegasyon ng Pilipinas, mga kaibigan ng pangulo at si Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jinhua.

Magugunitang isinangkot si Yang sa transaksyon ng iligal na droga ni dating police officer Eduardo Acierto na namumuno ng noo’y anti-illegal drugs group ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, nakaharap din ni Pangulong Duterte ang global superstar na si Jackie Chan.

Batay sa ibinahaging larawan ni Go, makikita si Chan na naka-fist sign na kilalang hand sign ni Pangulong Duterte.

Binigyan din ni Chan ang pangulo ng kanyang 2015 biography book na ‘Never Give Up’ at isang jacket.