Radio Philippines Network
Headlines National News

Duterte nakahandang magtungo ng Middle East

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na personal na magtungo sa Gitnang Silangan sakaling mahirapan ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa repatriation ng mga manggagawang Pilipino doon.

Kasunod na rin ito ng paglalayag na ng dalawang barko ng Philippine Navy para pangunahan ang repatriation efforts sa mga OFW’s na posibleng maipit sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos sa Middle East.

Ayon kay Pangulong Duterte, mahigpit niyang susubaybayan ang biyahe ng BRP Davao Del Sur at Ramon Alcaraz hanggang makarating ang mga ito sa Jeddah, Saudi Arabia.

Iginiit ni Pangulong Duterte, sakaling kailanganin ang kanyang presensiya sa pagpapatupad ng repatriation, hindi aniya siya magdadalawang isip na magtungo ng Gitnang Silangan.

Related posts

Hard lockdown sa isang barangay sa Mandaluyong City nagsimula na

Powered by DWIZ

Arroyo nakaharap sa pulong si Chinese Premier Li Keqiang

Powered by DWIZ

Mga kaanak ng 14 magsasakang nasawi sa Negros Oriental hinikayat ng Palasyo na maghain ng kaso sa korte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More