Radio Philippines Network
Headlines National News

Presyo ng tilapia sa ilang palengke sa Metro Manila tumaas

Tumaas na ang presyo ng tilapia sa ilang mga palengke sa Metro Manila.

Bunsod ito ng pagbaba sa suplay ng tilapia kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Tulad sa Commonwealth Market sa Quezon City kung saan tumaas ng P20 ang presyo ng kada kilo na tilapia na mabibili na sa P120 mula sa dating P100.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), umaabot sa 15 metriko tonelada suplay ng tilapia ang nawala kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Pagtitiyak naman ng DA, naghahanap na sila ng alternatibong mapagkukunan ng suplay para hindi na rin sobrang maapektuhan pa ang presyo nito.

Samantala, nananawagan ang DA sa mga supplier ng tilapia na huwag samantalahin ang sitwasyon para kumita.

Related posts

Kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng 350 sa nakalipas na magdamag —DOH

Powered by DWIZ

PNP nakahanda na sa ‘mala-martial law’ na ECQ

Powered by DWIZ

Travel sa ban sa China dapat ipatupad — Robredo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More