Duterte muling nanindigan na mali ang amnestiya na ibinigay kay Trillanes

0
47

Muling pinanindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang ibinigay na amnesty kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ayon sa pangulo ay dahil si dating Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin lamang na tinawag niyang kaibigan ang nakapirma sa certificate of amnesty ng senador.

Una na ring inihayag ng pangulo na igagalang niya ang hukuman at hindi ipapaaresto si Trillanes hanggang walang inilalabas na arrest warrant ang korte.