Radio Philippines Network
Headlines National News

Duterte may kapangyarihang ibasura ang VFA kahit walang pagsang-ayon ng Kongreso

Malaya si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kahit walang basbas ng Senado.

Iyan ang binigyang diin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa harap ng banta ng Pangulo matapos bawiin ng Amerika ang US visa ng ilang opisyal ng pamahalaang nasa likod ng pagkakakulong ni Sen. Leila De Lima.

Ayon kay Lorenzana, may karapatan naman aniya ang administrasyon na kanselahin ang nasabing kasunduan lalo’t kung ang pambansang interes na ang nalalagay sa alanganin.

Hanggang sa ngayon, sinabi ni Lorenzana na patuloy ang kanilang ugnayan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na siyang tumatayo namang chairman ng VFA commission.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na kanila ring ilalahad sa Pangulo ang mga posibleng epekto sa Pilipinas partikular na sa aspetong militar sakaling tuluyan nang mabasura ang nasabing kasunduan.

Related posts

Panukalang nagpapalawig sa validity ng ilang bahagi ng 2019 national budget inaprubahan ng Kamara

Powered by DWIZ

Operasyon ng MRT 3 naging malala pa sa nakalipas na taon ayon sa COA

Powered by DWIZ

Philip Salvador sa mga kritiko ni Pangulong Duterte: “Mamatay kayong lahat!”

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More