Bilang ng mga nasawi dahil sa novel coronavirus pumalo na sa 41

Bilang ng mga nasawi dahil sa novel coronavirus pumalo na sa 41

by Powered by DWIZ
39 views

Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pagkalat ng 2019 new coronavirus sa Wuhan, China.

Batay sa datos ng Chinese national health commission, nasa 1,287 na ang naitala nilang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit.

Maliban sa Wuhan, China na siyang itinuturing na ground zero ng nCoV, may naitala na ring kaso ng nasabing sakit sa mga bansang Thailand, Vietnam, Singapore, Japan, Nepal, South Korea, Taiwan, France at Estados Unidos.

Nasa tatlong bayan na sa China ang isinailalim ngayon sa lockdown dahil sa banta ng nCoV kaya’t pinalawak na rin ng mga awtoridad ang quarantine sa mga residente rito.

Sa kabila nito, hindi pa rin nagdideklara ang World Health Organization (WHO) ng epidemic of international concern.

0 comment

Related Posts