Duterte malakas ang pangangatawan — Panelo

0
25

Malakas at malusog ang pangangatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang bansa sa gitna ng krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang iginiit ni Chief Legal Counsel at dating presidential spokesperson Salvador Panelo matapos na hilingin ng isang abogado sa Korte Suprema na atasan ang Pangulo na ilabas ang medical, psychological at health records nito.

Ayon kay Panelo, matagal nang binabanggit at isinasapubliko ni Pangulong Duterte ang kanyang mga karamdaman.

Hindi rin aniya ganoon kalala o seryoso ang mga nabanggit na sakit ng Pangulo.

Idinepensa rin ni Panelo bilang sariling style ni Pangulong Duterte ang paraan ng pagtatalumpati nito na pinuna ng petitioner na tila lasing o nakainom ito.

Kahapon, naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Atty. Dino De Leon para atasan ang Pangulo na isapubliko ang kanyang medical at psychological records na nagpapatunay na nasa maayos siyang kondisyon para pangasiwaan ang bansa.