Duterte itinalaga si Gapay bilang bagong commanding general ng Philippine Army

Duterte itinalaga si Gapay bilang bagong commanding general ng Philippine Army

by Powered by DWIZ
14 views

Itinalaga na ni Pang. Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang susunod na commanding general ng Philippine Army.

Ito mismo ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) General Noel Clement kung saan nakatakdang palitan ni Gapay si Lt. General Macairog Alberto na nakatakdang mag-retiro sa Biyernes, December 6.

Si Gapay ay kabilang sa PMA class ‘Sinagtala’ noong 1986, kung saan dati rin itong nanilbihan bilang pinuno ng Southern Luzon command.

0 comment

Related Posts