Friday, May 3, 2024

Duterte ipinagpaliban ang pagtungo sa Fujian Province, China

- Advertisement -

Ipinagpaliban na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtungo sa Fujian Province sa China.

Nakatakda sanang saksihan ng pangulo ang pagpapasinaya sa isang school building na ipinangalan sa kanyang inang si Soledad Duterte.

Kasabay nito ay inihayag ng Department of Foreign Affairs na magiging apat (4) na araw na lamang ang pagbisita ng pangulo sa China sa halip na limang (5) araw.

Sa Agosto 28 nakatakdang maglakbay sa China ang pangulo kung saan inaasahang magkakaroon ito ng bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img