Thursday, May 2, 2024

Duterte inatasan na ang DA at NFA na bilhin ang mga palay ng mga magsasaka

- Advertisement -

Inatasan na ni Pang. Rodrigo Duterte ang Dept. Of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) na bilhin ang palay ng mga magsasaka.

Ito ay kaugnay ng mga ulat na nalulugi na ang lokal na magsasaka matapos bumagsak sa 7 pesos ang kada kilo ng palay sa pagpapatupad ng rice tariffication law.

Ayon sa Pangulo, dapat na bilhin ng NFA ang lahat ng bigas ng mga naturang magsasaka sa tamang halaga.

Aniya, hindi na bale kung malugi ang pamahalaan basta lamang matulungan ang mga ito.

Kaugnay nito, idinipensa rin ng Pangulo ang nilagdaan niyang rice tariffication law dahil kailangan anyang isa-alang-alang ang kapakanan ng higit na nakararami.

You know, in the democracy, officials are elected and their duty is to do for the greatest good, for the greatest number. You have seen people going wild or others hungry ‘coz there is no rice. What the solution should be or will be for the secretary of agriculture to buy all, kung magkano ba presyo nila bilihin natin, (kung) lugi, lugi talaga. Are we wasting money? No, we are not wasting an industry. We are helping them. So, malugi tayo eh ‘di malugi, kaya ako nagkokolekta ng buwis eh, kaya happy ako kapag naka-tsamba ka ng bilyon dyan na tax evader,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img