Friday, May 17, 2024

‘Dead or alive’ ang nilinaw ni Duterte sa PNP kaugnay sa mga nakalaya dahil sa GCTA

- Advertisement -

“Dead or alive.”

Ito ang nilinaw ni Pangulong Rodrido Duterte sa Phil. National Police (PNP) matapos nitong ipag-utos ang pagsuko ng mahigit 1,000 preso na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Kaugnay ito ng ibinigay na ultimatum ng Pangulo kung saan binigyan lamang nito ng 15 araw ang mga napalayang preso sa ilalim ng GCTA na sumuko sa otoridad.

Aniya, sa oras na lumampas na ang itinakdang niyang deadline ay ipa-aaresto na niya ito sa mga otoridad.

Paliwanag ng Pangulo, kung manlalaban ang mga napalayang preso at malalagay sa panganib ang buhay ng mga arresting officers ay hindi dapat magpaka-bayani ang mga ito.

Samantala, nilinaw rin naman ng Pangulo na ipalalagay na niya sa hold departure order ang lahat ng napalayang preso sa bisa ng GCTA law.

Automatic ‘yan, pinalaya mo, pinasakay mo ng eroplano ikarga kita sa helicopter ihulog kita dyan. I will hunt up you, then I will throw you out kung marunong kang maglanggoy na nakatali yung kamay mo malay mo makadating ka pa ng Dewey Boulevard bakit mo paalisin yan, hanap ka lang ng sakit ng ulo. Dead or alive, if you have to shoot the guy because he’s offering a violent resistance I am offering the police, do not be the hero just follow the law, only if your life is in danger you are allowed, you will be justified in taking a life of another person,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -