Duterte ibnasura ang resolusyon ng 14 senador na mag resign na si Duque sa DOH

0
17

Ibinasura ng Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng 14 senador na mag resign na si Department of Health (DOH )  Secretary Francisco Duque III dahil sa anila’y palpak na pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpasya ang Pangulong Duterte na panatilihin sa puwesto si Duque.

Ayon kay Medialdea tiwala ang Pangulo na higit pang pagbubutihin ni Duque ang trabaho nito para patunayan ang kaniyang kakayahan at sinseridad na paglingkuran ang publiko sa gitna na rin nang kinakaharap na krisis ng bansa

Una nang iginiit ng mga senador ang kapalpakan ni Duque na anila’y incompetent, inefficient at negligent matapos na hindi kaagad irekomenda sa pangulo ang travel ban sa China kung saan nagsimula ang coronavirus.