Recovered COVID-19 patients sa bansa patuloy ang pagtaas

0
23

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH ) hanggang kahapon,  Abril 16  nasa 435 na ang total recoveries ng bansa mula sa COVID-19 matapos ang 82 panibagong recoveries mula sa virus sa nakalipas na magdamag.

Samantala 13 naman ang nasawi kayat umaabot na sa 362 ang COVID-19 related deaths.

Lumobo naman sa 5,660 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos dumagdag ang 207 panibagong kaso sa Pilipinas.