Friday, May 3, 2024

Duterte hinikayat ang mga ASEAN leaders na wag pumanig sa U.S. vs China trade war

- Advertisement -

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na iwasang pumanig sa Estados Unidos at China.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ang binigyang diin ng pangulo sa ika-35TH ASEAN Summit sa Bangkok dahil sa lumalalang tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Amerika at China.

Paliwanag ni Panelo, iginiit rin ni Pangulong Duterte na isang malaking pagkakamali ang kumampi sa alinmang bansang may tensiyon sa kalakalan dahil makaka-apekto aniya ito sa ekonomiya ng isang bansa.

Matatandaang, inaprubahan ng World Trade Organization ang trade sanctions ng China sa mga produkto mula Amerika kung saan umabot ito sa 3.6-billion dollars.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img