Handang magbitiw ang Pangulong Duterte kapag nanalo si dating Senador Bongbong marcos sa election protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang kanina.
Ayon kay Roque, sinabi ng Pangulo na isa si Bongbong Marcos sa mga ‘better qualified leaders’ na puwedeng humalili sa kanya.
What he said is a real statement of exasperation and a genuine wish to step down if there’s a better leader or a qualified leader to take over. He has said he thinks that Senator Bongbong Marcos is one of the better leaders to succeed him. If there’s development and he wins the protest, and he becomes vice president, then yes, he will make true his word. Pahayag ni Roque
Matatandaan na inihayag kamakailan ng Pangulo na pagod na ito at gusto ng bumaba sa puwesto matapos makaramdan ng pagkabigo sa hindi aniyang matapos-tapos na katiwalian sa gobyerno.