Duterte dapat nang ibigay kay Robredo ang pamamahala sa bansa —CPP-NPA

0
23

Dapat nang ipaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo ang pamumuno sa bansa.

Ito ang naging reaksyon ni CPP-NPA founding chairman Joma Sison kaugnay sa naging unang pahayag ng Malacañang na tatlong araw munang magpapahinga ang Pangulo dahil sa tambak na trabaho nito.

Ayon kay Sison, ang pangulo na mismo ang umamin na gumagamit siya ng Fentanyl para maibsan ang kaniyang mga iniindang sakit at paulit-ulit din aniya ang pagliban nito sa mga mahahalagang aktibidad dahil kailangan nitong magpahinga.

Aniya, panahon na para bumaba sa pwesto ang pangulo dahil sa mga nararamdaman nitong sakit at ipaubaya ito sa pangalawang pangulo upang magampanan ng tama ang tungkulin nito bilang pangulo ng bansa.

Gayunman, nilinaw naman ni Presidential spokesman Salvador Panelo kagabi, Nobyembre 11, na hindi magbabakasyon at magpapahinga ang pangulo, bagkus ay magtatrabaho lamang aniya ito sa sarili niyang bahay sa Davao City.