Duterte: China nakahandag magbigay ng tulong sa Pilipinas kontra COVID-19

0
14

Nakahandang magbigay ng tulong ang China sa Pilipinas upang labanan ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, sumulat sa kanya si Chinese President Xi Jinping at sinabing wala syang dapat gawin kundi humingi ng tulong at ibibigay ito ng China.

Wala pa man ay lubos  na ang pasasalamat ng Pangulo kay President Xi.

Samantala,ini anunsyo ng pangulo na papayagan ang mga  nagbakasyong ofw na bumalik sa China maliban sa Hubei Province.

Gayunman, kailangang lumagda ang mga Overseas Filipinos Workers (OFW)’s ng deklarasyon na alam nila ang panganib na kanilang sinusuong.