Duterte binalaang sisibakin bilang drug czar si Robredo

0
10

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na sisibakin bilang Co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito aniya ay kung isisiwalat ng pangalawang pangulo ang ilang mga classified information ng pamahalaan hinggil sa transaksyon ng mga iligal na droga na maaaring maglagay sa alanganin ng seguridad ng buong bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, bilang isang abogado, alam ni Robredo na may limitasyon sa pagbibigay ng mga impormasyon at kailangang manatili lamang sa loob ng pamahalaan.

Ang nabanggit na pahayag at reaksyon naman ng pangulo sa pakikipagpulong ni Robredo sa United Nations Office on Drugs Crime at ilang opisyal ng U.S. embassy para matalakay ang problema sa iligal na droga sa Pilipinas.