35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

DTI tiniyak na inaaksyunan na ang mga reklamo ng customers ng J&T Express

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaaksyunan na ang mga reklamo ng customer ng J&T Express na nakatanggap ng mga produktong sira na o may problema na.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, naglabas na sila ng warning sa kumpanya dahil sa epektong idinulot sa kanilang customer ng ginawa ng kanilang mga tauhan.

Malaking bagay din aniya ang utos imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa reklamong kinasasangkutan ng J&T Express.

Magugunitang nag-viral ang video ng mga pahinante ng J&T Express kung saan makikitang tila walang pag-iingat ang mga ito sa paghawak ng mga cargo packages.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -