DTI isinusulong ang mas mahabang operating hours ng mga grocery stores, supermarkets

0
7

Iminumungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mas mahabang operating hours sa mga grocery stores at supermarkets.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ito lamang ang nakikita nilang paraan upang mabawasan ang mahabang pila sa mga pamilihan sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine.

Aniya, hindi naman kailangang palawigin ito gaya ng normal na operating hours dahil ang importante ay makapamili ang publiko ng hindi sa limitadong oras lamang.

Samantala, nais ring irekomenda ng DTI sa IATF ang paunti-unting pag-alis sa enhanced community quarantine sa Luzon upang makapag-operate muli ang mga negosyong may kaugnayan sa produksyon at manufacturing ng mga pagkain.