DTI ang mamumuno na kastiguhin ang mga employer na hindi susunod sa kautusan ng DOLE — Bello

0
17

Bahala na ang Department of Trade and Industry (DTI) na kastiguhin ang mga employer na hindi susunod sa kautusan ng DOLE hinggil sa obligadong pagsusuot ng face shield sa workplace simula sa August 15.

Sinabi ito sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III bagama’t kakausapin muna nila ang employers hinggil sa nasabing hakbang.

Una syempre kakausapin namin at paliwanaga sakanila na para kabutihan ng manggagawa at ‘pag maganda ang kalagayan ng manggagawa gaganda ang trabaho, ‘pag maganda ang trabaho gaganda ang negosyo diba. Pero kapag matigas [matigas ang ulo] nandiyan naman si Sec. Mon Lopez para pwede mag-suspende ng operasyon ganun. ani Bello sa panayam ng DWIZ