Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

DSWD namahagi ng P2-M ayuda sa mga naapektuhan ng Taal eruption

Namahagi ng P2-milyong ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, sapat ang kanilang suplay ng relief goods at standby funds para sa mga naaapektuhan ng kalamidad.

Ang gusto pong sabihin ng DSWD ay handa po tayo at sufficient po ‘yung ating stockpile at standby funds para po magamit at matulungan itong mga naapektuhan,” ani Dumlao.

Batay sa tala ng DSWD, nasa mahigit 41,000 indibidwal na ang pansamantalang tumutuloy sa tinayong 159 na evacuation centers.

Samantala, nananawagan naman ang naturang ahensya sa mga nagnanais na tumulong sa repacking ng relief goods ay maaring magtungo sa DSWD Region 4A field office sa GMA, Cavite.

Kami po sa DSWD, dahil nga tuluy-tuloy po ‘yung pag-augment natin ng mga family food packs and non-food items, ang Region 4A, ‘yung aming field office sa CALABARZON, ay asking or requesting interested individuals na gusto pong tumulong doon sa repacking namin. Maaari pong makipag-ugnayan sa DSWD field office warehouse sa GMA, Cavite; o maaari din naman po na sila ay pumunta sa National Resource Operation Center sa Pasay City –pwede po silang magvolunteer para sa repacking,” ani Dumlao. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

Related posts

Nangyaring sunog sa LRT 2 hindi arson ang dahilan kundi kidlat — LRT engineering dept

Powered by DWIZ

Pinay na nahuli sa Malaysia dahil sa droga bibigyang ayuda ng gobyerno

Powered by DWIZ

Ilang PNR trains na-damage dahil sa pambabato —spox

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More