Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Babae nahulog sa riles ng LRT1, biyahe ng tren naantala

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT Line 1 (LRT-1) bago mag alas-7 kaninang umaga.

Ayon sa pamunuan ng LRT-1, itinigil ang biyahe ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt matapos mahulog ang isang babae sa riles ng tren mula sa platform nang mahilo ito sa Doroteo Jose Station.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, head of communications ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), kaagad isinugod sa ospital ang biktima, samantalang eksakto alas-7:09 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren ng LRT-1.

Kailangan aniyang itigil muna ang operasyon para ma-secure ang area at matiyak ang kaligtsan ng mga pasahero.

Dahil ditto, pinapayuhan ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa biyahe para hindi na makadagdag abala sa aberya ang build-up ng mga pasahero.

Related posts

Hindi pagdalo ng MMDA chair sa senate hearing kaugnay sa provincial bus ban sinita ni Poe

Powered by DWIZ

Pangulo planong makipag-usap sa MNLF pagkatapos ng BOL plebiscite

Powered by DWIZ

4 sa 10 Pinoy nagsabing tumaas ang kalidad ng kanilang buhay

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More