32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Dswd-Bicol, Nagbukas Ng “Snack Pantry” Para Sa Mga Kliyente Kumukuha Ng Ayuda; Health Protocols, Tiniyak Na Mahigpit Na Nasusunod

- Advertisement -

Gumawa ng sariling bersyon ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa rehiyon ng nauusong ‘modern day bayanihan’ na community pantry.

Tinawag ito ng ahensya na “snack pantry” kung saan libreng meryenda at inumin ang handog sa mga kliyenteng kumukuha tulong-pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, upang kahit papano ay maibsan ang pagod at gutom ng mga ito sa paghihintay.

Binubuo ang itinayong snack pantry ng biskwit, tinapay, juice, bottled water at kape.

Ayon sa ahensya, hango ito sa “Maginhawa Community Pantry”, kung saan mismong mga personahe ng Disaster Response Management Division (DRMD) ang nanguna sa layuning makatulong kahit sa simpleng pamamaraan habang mahigpit pa ring naipasusunod ang mga pag iingat kontra sa lumalaganap na virus.

Samantala, inihayag naman ng ahensya na bukas pa rin sila sa pagtanggap ng mga kliyenteng nangangailangan ng Medical at Burial Assistance.

Bukod kasi sa agarang tulong para sa mga disaster-affected families, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program mayroon  educational, medical, burial at transportation assistance para sa mga kwalipikadong indibidwal.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -