DOTr sec. Tugade may nakasalamuhang COVID-19-positive patient sa isang event sa NLEX

0
26

Kinumpirma ni Transportation secretary Arthur Tugade na sa isang road inspection event sa North Luzon Expressway (NLEX) noong March 5 niya nakasalamuha ang isang pasyenteng nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ang nasabing event, ayon kay Tugade, na pag-inspeksyon sa NLEX Harbor Link C3-R10 na nakatakdang magbukas sa susunod na linggo, ay dinaluhan din ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa naman malinaw kung nagkaroon ng direktang contact ang pangulo sa naturang indibidwal.