COVID-19 death toll pumalo na sa higit 4,000

0
17

Pumapalo na sa mahigit 4,000 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang bansa dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

3,169 ang naitalang nasawi mula sa China kung saan 11 ang nasawi sa nakalipas na magdamag.

196 ang naitalang nasawi sa Italy sa nakalipas na 24-oras kaya’t umaabot na sa 827 na ang death toll dito.

Nasa 345 ang nasawi sa Iran at 66 naman sa South Korea.

Nakapagtala rin ng mga bagong nasawi sa magdamag sa France, Spain, Germany, USA, Switzerland, Japan, Netherlands, United Kingdom, Belgium, Lebanon at Pilipinas.