DOT pinagpapaliwanag ang local government ng El Nido sa paglabag sa batas hinggil sa sustainable tourism

0
51

Pinagpapaliwanag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat ang lokal na pamahalaan ng El Nido, Palawan sa sinasabing paglabag sa sustainable tourism ordinance.

Ito’y makaraang mapansin ni puyat sa kanyang pagbisita sa El Nido na bigo ang LGU sa implementasyon ng easement zone at ang nagtatapon ng dumi sa tubig ng ilang tourist boat.

Ayon sa kalihim, bagaman dalawang beses na niyang ipinaalam sa mga lokal na opisyal ang issue, hindi pa siya nakatatanggap ng anumang tugon mula sa mga ito.

Hindi na aniya dapat hintayin ng mga local government ng El Nido na matulad sila sa Boracay na anim na buwang ipinasara upang magbigay daan sa rehabilitasyon.