Campaign period sa approval ng BOL aarangkada sa Disyembre — COMELEC

0
45

Aarangkada na sa Disyembre ang campaign period para sa approval ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), magsisimula ang campaign period para sa plebisito sa Disyembre 7 hanggang Enero 19 ng susunod na taon.

Sa Enero 21 naman boboto ang mga mamamayan ng Bangsamoro kung aaprubahan o ibabasura ang naturang batas para sa paglikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pangangasiwaan ng COMELEC ang information campaign, kabilang ang para sa mga indigenous community, kababaihan at kabataan sa bawat barangay, bayan, lungsod at lalawigan kung saan isasagawa ang plebesito.

Papayagan din sa campaign period ang information dissemination at public advocacy initiatives ng ibang government o non-governmental groups o indibidwal.