DOLE pinaalalahanan ang mga employer sa holiday pay rules

0
55

Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na tumalima sa holiday pay rules o patakaran ng pagpapasahod sa mga manggagawang papasok sa Undas.

Ayon sa DOLE, may dagdag na 30 porsyento sa kanilang arawang sahod ang mga manggagawang papasok sa Huwebes, Nobyembre 1 at 2 na kapwa special non-working holiday.

Kapag nag-overtime naman ang empleyado,may dagdag ulit na 30 percent sa hourly rate.