Bilang ng naapektuhan ng ‘Rosita’ sumampa na sa 21,000 — NDRRMC

0
56

Umakyat na sa mahigit 21,100 pamilya o tinatayang 73,000 katao na ang naapektuhan ng bagyong Rosita sa regions 1, 2, 3, 8 at Cordillera.

Mula sa naturang bilang, tinaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa 53,000 katao ang nananatili sa 847 evacuation center.

Nasa 125 kabahayan naman ang nasira o napinsala sa regions 1, 8 at Cordillera.

Samantala, umabot na sa P112 milyon na ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikutlura batay sa datos ng Department of Agriculture (DA).