DOJ umapela sa publiko na maging mapag-pasensya, magsakripisyo sa gitna ng quarantine period

0
21

         “MAGING MAPAG-PASENSYA AT MAGSAKRIPISYO”

Ito ang panawagan ng Department of Justice (DOJ) sa publiko, kasunod ng nararanasang abala dahil sa mga ipinapatupad na hakbang ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Paliwanag Justice Secretary Menardo Guevarra, ginagawa lamang ng gobyerno ang mga kaukulang hakbang upang mailigtas ang bawat Pilipino laban sa lumalalang kaso ng COVID-19.

Iginiit pa ng kalihim, hindi dapat binabaliwala ng taumbayan ang banta ng COVID-19 dahil baka dumating ang panahon na pagsisihan ito ng maraming mga Pilipino.