DOH kinumpirma na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sakanilang mga opisyal

0
18

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sakanilang mga opisyal.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire), ang naturang pasyente ay 50 taong gulang na lalaki at isang direktor sa central office ng DOH.

Samantala, pinabulaanan naman ng kalihim ang unang napaulat na dalawa ang opisyal ng DOH ang nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, hindi naman nag positibo ang isa pang direktor at hindi rin ito nagpapakita ng kahit anong sintomas ng COVID-19.

Hinihikayat naman nito ang publiko na maging maingat sa pamamahagi ng impormasyon lalo na kung ang mga naturang mensahe ay magdadawit sa mga pangalan ng mga opisyal.