DOJ may sapat na basehan para kasuhan si ex-DOH Sec. Garin

0
60

Vindication sa PAO o Public Attorney’s Office ang desisyon ng DOJ o Department of Justice na may sapat na basehan para kasuhan si dating Health Secretary Janet Garin sa isyu ng dengvaxia.

Sinabi ni PAO Chief Percida Rueda-Acosta na ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay garin at labing siyam na iba pa ay patunay na hindi sila nagdulot ng takot sa publiko sa usapin nang pagpapa bakuna.

Tiwala rin si Acosta na kayng mapatunayan ng DOJ prosecutors ang pagkakasala ng mga akusado.

Sa kabila nito ipinabatid ni Acosta na maghahain sila ng partial motion for reconsideration dahil hindi nila ikinatuwa ang pag absuwelto kay Health Secretary Francisco Duque III at iba pang health officials.


Naging papel ng FDA sa dengvaxia controversy ipinaliwanag

Nagpaliwanag ang DOJ Panel of Prosecutors sa naging papel ng mga opisyal ng FDA o Food and Drug Administration sa kontrobersya sa dengvaxia.

Tinukoy ng panel ang ginawang pag apruba ng FDA sa registration ng dengvaxia sa kabila ng hindi kumpletong clinical trials dito.

Sinabi ng panel na dalawa ang parallel clinical trials sa dengvaxia sa limang bansa sa Asya at una at ikalawang clinical trials ay makukumpleto pa lamang nuong November 2017 at April 2018.

January 2015 anila nagsumite ng application sa FDA ang Sanofi Pasteur at December 2017 nang aprubahan ng FDA ang marketing ng dengvaxia kasabay nang pag-iisyu ng product registration.

Lumalabas din na ang purchase request sa dengvaxia ay ginawa nuong January 2016 at ang aktuwal na pagbili ay ginawa kaagad nuong March 2016.

Si dating Health Secretary Janet Garin at dalawang FDA officials ay kabilang sa mga pinakakasuhan ng DOJ ng reckless imprudence resulting in homicide dahil sa iregularidad sa dengvaxia.