31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

PDEA pabor sa pagsasapubliko ng narco-list bago ang halalan

- Advertisement -

Pabor ang PDEA sa kahilingan ng DILG na maisapubliko ang hawak nilang narco list bago mag eleksyon.

Sinabi ni PDEA spokesman Derrick Carreon na mas makakabuti kung isang interagency task force ang mangangasiwa sa planong pagsasapubliko ng narco list at hindi lamang ang kanilang ahensya.

Muling tinukoy ni Carreon ang mga opisyal ng ISAFP, NICA o National Intelligence Coordinating Agency, PDEA at NPNP Directorate for Intelligence na may mga hawak ding listahan ng mga pulitikong sinasabing sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Malaki aniya ang tsansang madiin sa reklamo ang narco politicians na nasa listahang hawak ng mga nabanggit na tanggapan at hindi lamang PDEA.


Mga pulitikong kabilang sa narco list dapat idiskwalipika

Naniniwala si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na dapat kasuhan ng disqualification ang mga pulitikong kabilang sa narco list ng administrasyong Duterte.

Kasunod na rin ito nang pag-suporta ni Guanzon sa hakbang ni DILG Secretary Eduardo Año na maisapubliko ang narco list bago ang eleksyo sa Mayo.

Ayon kay Guanzon, handang makipag tulungan ng Comelec sa DILG at PNP sakaling makipag ugnayan sa kanila kaugnay sa nasabing usapin.

Nilinaw naman ni Guanzon na titingnan muna ng Comelec ang pinagbasehan ng mga tanggapan sa nasabing narco list bago gumawa ng kaukulang hakbang bilang tugon dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -