DOJ itinangging nagkaroon ng paglabag sa WPP

0
60

Itinanggi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang akusasyon ni Senadora Leila De Lima na nagkaroon ng paglabag ang DOJ matapos na gawing state witness ang 13 nahatulan nang kriminal.

Ayon kay Guevarra, sa kanyang pagkakaalam walang mga convicted criminals ang ginamit ng ahensiya laban kay De Lima sa kinahaharap nitong kasong may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga.

Gayunman sinabi ni Guevarra na hindi pa niya nakukuha ang kopya ng reklamo ni De Lima at kailangan niya pa itong pag-aralang mabuti.

Magugunitang sinampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ni De Lima sina Guevarra at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre III sa Office of the Ombudsman.

Ito ay kaugnay ng paglabag umano ng dalawa sa probisyon ng Witness Protection Program (WPP) at Anti-Graft Law dahil sa paggamit ng 13 nahatulan ng kriminal bilang state witness laban kay De Lima sa kinahaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga.