DOH: Zubiri nagpositibo sa COVID-19

0
15

Nagpositibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon Marso 16, matapos na isailalim ang Senador sa isang pagsusuri noong Biyernes, Marso 13.

Ayon sa Senador, napag pasyahan niyang mag self-quarantine matapos siyang dumalo sa isang sesyon sa Senado nakaraang miyerkules.

Wala rin aniya siyang nararamdamang sintomas gaya ng lagnat, ubo, pananakit ng ulo o pang hihina.

Gayunman, tiniyak naman ni Zubiri na kukumpletuhin niya ang 14-day quarantine period at saka muling magpapasailalim sa COVID-19 test.

Nananawagan naman ito sa publiko na makinig sa paalala ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19, dahil miski siyang labis na nag-iingat ay nahawaan pa rin ng naturang virus sa hindi maipaliwanag na paraan.