Friday, May 17, 2024

DOH pinamamadali ang accreditation process para sa mga COVID-19 testing centers sa bansa

- Advertisement -

Hinihimok ni Vice President Leni Robredo ang Department of Health (DOH) na bilisan ang pagbibigay ng accreditation sa mga laboratoryong nagpoproseso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga reklamo ng Overseas Filipino Workers (OFW) na mahigit isang buwan nang nasa mga quarantine facilities at hindi makauwi sa kani-kanilang pamila dahil sa tagal ng pagpapalabas ng kanilang resulta sa COVID-19 test.

Ayon kay Robredo, ang dahilan ng mabagal na accreditation process ang napakababang kapasidad ng mga laboratoryo sa bansa.

Dahil dito, inirerekomenda ng Bise Presidente na hayaan ang mga pribadong sektor at educational institutions gaya ng University of the Philippines na tumulong sa pag-accredit ng COVID-19 laboratories.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -