Thursday, May 2, 2024

DOH nagbabala sa paggamit ng chloroquine vs. COVID-19

- Advertisement -

 Nagbabala ang  Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa paggamit ng chloroquine bilang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi pa nila inirerekomenda ang paggamit ng chloroquine gayung isa itong uri ang anti-malarial drug.

Pinag aaralan parin anila ito maging ang pagbuo ng clinical guidelines sa paggamit ng naturang gamot, dahil lumalabas sa pagaaral na maaari itong makaapekto sa atay ng tao.

Pinapayuhan naman ng kalihim ang publiko na kumonsulta sa doktor bago uminom ng ibang gamot para sa sakit na COVID-19.

Magugunitang sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ginagamit sa mga COVID patients sa China at France ang chloroquine, habang hydrochloroquine naman ang ginagamit sa Amerika.

Pero iginiit ng CDC na bagamat ginagamit ito ng ibang bansa, ay wala paring inaaprubahan ang fda o food and drug administration na kahit anong gamot laban sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img